Sunday, February 20, 2011

Tawag

Nakatungo ang kanyang ulo at ang mga mata'y basa ng luha. Naglalakad siya sa kahabaan ng Espana sa Maynila sa disi-oras ng gabi. Isang payak at balingkinitan na lalaking labis na nakadarama ng kalungkutan. Mababakas sa kanyang mukha ang tindi ng pinagdaanan sa nakaraang oras.


Kanina lamang ng makatanggap si Tonyo ng isang tawag na di niya inaasahan. Galing ang tawag sa isang taong hindi niya akalain magsasalita sa kanya ng ganuon. Matapos ang kanilang pag uusap ay pawang nililipad ng hangin ang kanyang ulirat. Nais niyang mawala pansamantala sa mundong kanyang ginagalawan.


Ang kanina ay masayahin niyang pagbati sa araw ay waring nabalutan ng hindi maipaliwanag na kalungkutan. Kailangan niyang mag isip isip, maglakad lakad. Mapagod. Mag-isa.


Ilang hakbang na ang kanyang nagawa papalayo sa kanyang tirahan pero parang hindi makaramdam ng pagod ang kanyang mga paa. Mas matindi pa rin ang sakit na nararamdaman niya ng mga oras na yon. Di alam ni Tonyo ang gustong maramdaman.


Nakarating siya sa isang lugar na tanging ang mga lamp posts lang ang kanyang makakasalamuha. Walang katao tao sa paligid. Patuloy pa rin siyang naglakad, patungo saan, di na niya alam.


Muling nagbalik ang alaala ng tawag na sa kanya ay bumulaga kaninang hapon lamang.

February 21, 2011
6:54PM
Caller: "Hello"
Tonyo: "Sino ka?"
Caller: "Si Luiz to. Kaibigan ni Juno."

Waring natigilan si Tonyo sa pagkakabanggit ng pangalan ni Juno. Kahapon lamang ay nagkaron sila ng isang matinding pagtatalo na nauwi sa kanilang hindi maayos na paghihiwalay.

Naikukuwento ni Juno dati ang kaibigan niyang si Luiz na tanging kaibigan nia na nakakaalam ng relasyon nilang dalawa pero hindi sila nito gaanong magkaclose kaya laking gulat niya sa pagtawag na ginawa ni Luiz.

Tonyo: "O Luiz! Musta?"
Caller: "Tonyo, you have to know something."
Tonyo: "Pare, kung tungkol to kay Jino. Tapos na kami. Hindi na namin maaayos ang sa amin. Hindi ko na siya mahal"

Sa pagkakabanggit ng mga salitang binitawan niya, tila nanuyo ang lalamunan ni Tonyo. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang kanyang sariling mga salita. Alam niya na baka magkasundo pa rin silang dalawa.

Caller: "Tungkol dun, nabanggit na rin nia sa kin yun. Hindi ako tumawag para ipilit ko siya sa yo."

Biglang bumagal ang pagsasalita ni Luis. Tila may kinukubling emosyon.

Caller: "Ang totoo nyan, patay na si Juno. Iniwan na niya tayo. Nagpakamatay siya."
Tonyo: "Ha?"
Caller: "Pumunta ka na lang dito sa bahay nila kung may panahon ka. Nakalagay kasi sa kanyang sulat na iniwan ay gusto niya na sa panahon na mawala siya, makita ka niya kahit sa libing nia."

Hindi na makasagot si Tonyo sa balitang natanggap niya. Kilala niya si Juno bilang matapang at malakas na tao. Dalawang ulit pa lamang niya ito nakita umiyak at un ay sa dahil sa mga pag aaway nila.

Caller: "Don't worry Tonyo. Wala naman sinabi si Juno tungkol sa relasyon niu sa sulat. Alam naman daw nia na ayaw mo malaman ng iba ang pagkatao mo. Sige pare. Un lang. Bye."

Dagling naputol ang usapan nila. Naiwan si Tonyo na di makapaniwala sa nangyari. Kasalanan ba niya ang lahat? Siya ang dapat sisihin, tugon nia sa sarili.



******************************************************************************

Sa kanyang pag-mumuni muni habang naglalakad ng gabing yun, di niya namalayan ang mabilis na paparating na motorsiklo. Papunta iyon sa direksyon nia. Lasing ang driver at pagewang gewang ang takbo niya.

Sa isang saglit napalingon sia sa pinagmumulan ng ugong ng motor na narinig niya. Isang dipa na lang mula sa kanya ay masasagasaan na ang kanyang katawan ng lalaking nakamotorsiklo. Hindi siya makagalaw, hindi makatakbo.

"Huwag!!"

Isang boses ang kanyang narinig na gumising sa kanya at waring may puwersa na nagtulak sa kanya paalis sa kinaroroonan nia. Napadapa sia sa kalsada ngunit ang motoristang muntik na makabangga sa kanya ay harurot pa rin tumakbo palayo sa kanya.

Tumingin siya sa paligid ngunit wala ni isa mang tao ang makita nia. Nakaramdam sia ng komportableng lamig sa likod nia at duon, napahagulgol siya.

"Sorry Juno, mahal pa rin kita." ang tanging nabanggit niya.

Thursday, November 25, 2010

Meetup Experience gone bad

Ilang taon lamang ang nakakaraan ng matuto akong mag venture out sa mundo natin. Siguro ay nasa 5 years ako na ang nakakaraan nun. Marami akong ginawa para matutong makisayaw sa indayog ng ating komunidad.

Unang una kong naalala ay ang pagsali sali sa mga m2m sites tulad ng guys4men.com. Nakalimutan ko na rin ang aking account dun. Dito, nagbabasa ako ng mga forums, mga pag aaway nila o matamis na pgsasagutan. Dito, napansin ko na uso pala ang GEB ika nga nila. Magkikita kita ang lahat ng sa g4m lamang nagkakadaupang palad.

Minsan, sa likod pala ng mga maaangas na katawan ay may mga lalaking sumisigaw ng kalayaan. At minsan, masyado sin obvious ang galaw nila na kung discreet ka ay aayaw ka na makasama sa kanila.

May iba din dito na nakabandera na ang mukha, mapa guapo man o pangit. Naghahanap ka man ng karelasyon o ka s**, pede ka dito.Or kung gusto mo lamang mag chill dito ka.

Naaalala ko nuon, may ka meet dapat ako sa g4m. Ansabi niya guapo sia, nagsend pa nga ng pic. I sent mine afterwards and we both agreed to meet up. Actually, it was a meetup with the sexual intent.

Sabi nia, he's 5'7 tall, moreno, medium built, at di daw siya chub. OK naman ang itsura niya, malakas ang dating at maangas. We decided to meet around 7pm sa q.ave malapit sa kanilang lugar.

I arrived about 7:15 that night tapos di siya agad dumating. Ang sabi nia, punta na lang ako sa house nila, konting lakad na lang daw. He gave me the exact location then punta na ako.

When I was infront of the house, i texted him. Wala siyang reply. After 10 minutes waiting, i decided to go home na lang. Then I received a text saying andun na raw sia tapat ng house so bumalik ako..

Tapos, pagdating ko dun. Bagooom! isang chub na short looking person. Usli ang labi at screaming ang pagkatao. Nakita niya ako at tinawag. Lumapit naman ako.

Nagkuentuhan kami saglit then he asked, "So panu? Game na?"

"Sorry pare, i hate liars and pretenders. Aalis na lang ako kesa masapak pa kita."

I quickly strode my way out of his sight. Na asar lang ako, kaya ever since takot na ako sa meet up. di mo alam kung ano ugali ng mga ka meet mo.

Hirap din pala ang usapang cyber space.

Sunday, November 21, 2010

Rebirth

Tama nga ang sabi ng ilan. Pagkatapos mong bumagsak, maputikan at mahirapan, darating ang panahon na aahon ka ulit mula sa baba. Kailangan na at some point in time, matutunan mo na maging malakas at harapin ang problema.

Naka dalawang buwan na rin pala nang huli akong nagsulat muli. Ngayon na okay na ako, matapos ang aming paghihiwalay, babalik ako sa gawain na komportable akong gawin..ang magsulat. Dito ko nailalabas ang lahat ng saloobin ko at dito, totoo ako.

Napansin ko sa last post ko na masyado nga pala akong nasaktan non. Umasa ako at naghintay. Pinilit kong ayusin ang isang bagay na sa simula pa lang alam ko na na hinding hindi ko maaayos.

I retreated from this blogsite to fix things pero dito rin lang pala ako makakahanap ng solace. Mas okay pa pala kausap minsan ang mga bloggers kaysa sa mga taong nakakausap mo ng harapan.

So now, I have been fully replenished and reborn. I am back sa sirkulasyon ng blog.

:D