Nakatungo ang kanyang ulo at ang mga mata'y basa ng luha. Naglalakad siya sa kahabaan ng Espana sa Maynila sa disi-oras ng gabi. Isang payak at balingkinitan na lalaking labis na nakadarama ng kalungkutan. Mababakas sa kanyang mukha ang tindi ng pinagdaanan sa nakaraang oras.
Kanina lamang ng makatanggap si Tonyo ng isang tawag na di niya inaasahan. Galing ang tawag sa isang taong hindi niya akalain magsasalita sa kanya ng ganuon. Matapos ang kanilang pag uusap ay pawang nililipad ng hangin ang kanyang ulirat. Nais niyang mawala pansamantala sa mundong kanyang ginagalawan.
Ang kanina ay masayahin niyang pagbati sa araw ay waring nabalutan ng hindi maipaliwanag na kalungkutan. Kailangan niyang mag isip isip, maglakad lakad. Mapagod. Mag-isa.
Ilang hakbang na ang kanyang nagawa papalayo sa kanyang tirahan pero parang hindi makaramdam ng pagod ang kanyang mga paa. Mas matindi pa rin ang sakit na nararamdaman niya ng mga oras na yon. Di alam ni Tonyo ang gustong maramdaman.
Nakarating siya sa isang lugar na tanging ang mga lamp posts lang ang kanyang makakasalamuha. Walang katao tao sa paligid. Patuloy pa rin siyang naglakad, patungo saan, di na niya alam.
Muling nagbalik ang alaala ng tawag na sa kanya ay bumulaga kaninang hapon lamang.
February 21, 2011
6:54PM
Caller: "Hello"
Tonyo: "Sino ka?"
Caller: "Si Luiz to. Kaibigan ni Juno."
Waring natigilan si Tonyo sa pagkakabanggit ng pangalan ni Juno. Kahapon lamang ay nagkaron sila ng isang matinding pagtatalo na nauwi sa kanilang hindi maayos na paghihiwalay.
Naikukuwento ni Juno dati ang kaibigan niyang si Luiz na tanging kaibigan nia na nakakaalam ng relasyon nilang dalawa pero hindi sila nito gaanong magkaclose kaya laking gulat niya sa pagtawag na ginawa ni Luiz.
Tonyo: "O Luiz! Musta?"
Caller: "Tonyo, you have to know something."
Tonyo: "Pare, kung tungkol to kay Jino. Tapos na kami. Hindi na namin maaayos ang sa amin. Hindi ko na siya mahal"
Sa pagkakabanggit ng mga salitang binitawan niya, tila nanuyo ang lalamunan ni Tonyo. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang kanyang sariling mga salita. Alam niya na baka magkasundo pa rin silang dalawa.
Caller: "Tungkol dun, nabanggit na rin nia sa kin yun. Hindi ako tumawag para ipilit ko siya sa yo."
Biglang bumagal ang pagsasalita ni Luis. Tila may kinukubling emosyon.
Caller: "Ang totoo nyan, patay na si Juno. Iniwan na niya tayo. Nagpakamatay siya."
Tonyo: "Ha?"
Caller: "Pumunta ka na lang dito sa bahay nila kung may panahon ka. Nakalagay kasi sa kanyang sulat na iniwan ay gusto niya na sa panahon na mawala siya, makita ka niya kahit sa libing nia."
Hindi na makasagot si Tonyo sa balitang natanggap niya. Kilala niya si Juno bilang matapang at malakas na tao. Dalawang ulit pa lamang niya ito nakita umiyak at un ay sa dahil sa mga pag aaway nila.
Caller: "Don't worry Tonyo. Wala naman sinabi si Juno tungkol sa relasyon niu sa sulat. Alam naman daw nia na ayaw mo malaman ng iba ang pagkatao mo. Sige pare. Un lang. Bye."
Dagling naputol ang usapan nila. Naiwan si Tonyo na di makapaniwala sa nangyari. Kasalanan ba niya ang lahat? Siya ang dapat sisihin, tugon nia sa sarili.
******************************************************************************
Sa kanyang pag-mumuni muni habang naglalakad ng gabing yun, di niya namalayan ang mabilis na paparating na motorsiklo. Papunta iyon sa direksyon nia. Lasing ang driver at pagewang gewang ang takbo niya.
Sa isang saglit napalingon sia sa pinagmumulan ng ugong ng motor na narinig niya. Isang dipa na lang mula sa kanya ay masasagasaan na ang kanyang katawan ng lalaking nakamotorsiklo. Hindi siya makagalaw, hindi makatakbo.
"Huwag!!"
Isang boses ang kanyang narinig na gumising sa kanya at waring may puwersa na nagtulak sa kanya paalis sa kinaroroonan nia. Napadapa sia sa kalsada ngunit ang motoristang muntik na makabangga sa kanya ay harurot pa rin tumakbo palayo sa kanya.
Tumingin siya sa paligid ngunit wala ni isa mang tao ang makita nia. Nakaramdam sia ng komportableng lamig sa likod nia at duon, napahagulgol siya.
"Sorry Juno, mahal pa rin kita." ang tanging nabanggit niya.