Wednesday, March 2, 2011

IKAW

Ikaw,

kapag nasasaktan ka na, iiyak mo lang.

Tapos, maglibang ka.

Yung tao ang igive up mo, wag ang buhay mo.

Wag mong hingin na mahalin ka niya kung masabi nga lang to hirap pa siya.

Alamin mo kung tama ba na ipaglaban mo sya kung di nga niya maramdaman na nandiyan ka kung di ka lang niya kailangan.

Isipin mo, mahalaga ang isang text, kahit isang text lang mula sa isang taong nangako na mamahalin ka at di iiwan.

Kung maging yun di niya magawa sayo, bakit ka pa aasa na tatagal kayo? Ikaw na ang sumuko. Mahirap umasa, sapagkat di mo alam san ka lulugar.

Wag maging masaya sa simpleng ligaya na dulot makita mo lang sia. Maghangad ka ng bagay na mas makakapagsabi sa sarili mo, minahal ka nga nia.

Pag isipan mo, iwan mo na pag di mo na kaya..