Thursday, November 25, 2010

Meetup Experience gone bad

Ilang taon lamang ang nakakaraan ng matuto akong mag venture out sa mundo natin. Siguro ay nasa 5 years ako na ang nakakaraan nun. Marami akong ginawa para matutong makisayaw sa indayog ng ating komunidad.

Unang una kong naalala ay ang pagsali sali sa mga m2m sites tulad ng guys4men.com. Nakalimutan ko na rin ang aking account dun. Dito, nagbabasa ako ng mga forums, mga pag aaway nila o matamis na pgsasagutan. Dito, napansin ko na uso pala ang GEB ika nga nila. Magkikita kita ang lahat ng sa g4m lamang nagkakadaupang palad.

Minsan, sa likod pala ng mga maaangas na katawan ay may mga lalaking sumisigaw ng kalayaan. At minsan, masyado sin obvious ang galaw nila na kung discreet ka ay aayaw ka na makasama sa kanila.

May iba din dito na nakabandera na ang mukha, mapa guapo man o pangit. Naghahanap ka man ng karelasyon o ka s**, pede ka dito.Or kung gusto mo lamang mag chill dito ka.

Naaalala ko nuon, may ka meet dapat ako sa g4m. Ansabi niya guapo sia, nagsend pa nga ng pic. I sent mine afterwards and we both agreed to meet up. Actually, it was a meetup with the sexual intent.

Sabi nia, he's 5'7 tall, moreno, medium built, at di daw siya chub. OK naman ang itsura niya, malakas ang dating at maangas. We decided to meet around 7pm sa q.ave malapit sa kanilang lugar.

I arrived about 7:15 that night tapos di siya agad dumating. Ang sabi nia, punta na lang ako sa house nila, konting lakad na lang daw. He gave me the exact location then punta na ako.

When I was infront of the house, i texted him. Wala siyang reply. After 10 minutes waiting, i decided to go home na lang. Then I received a text saying andun na raw sia tapat ng house so bumalik ako..

Tapos, pagdating ko dun. Bagooom! isang chub na short looking person. Usli ang labi at screaming ang pagkatao. Nakita niya ako at tinawag. Lumapit naman ako.

Nagkuentuhan kami saglit then he asked, "So panu? Game na?"

"Sorry pare, i hate liars and pretenders. Aalis na lang ako kesa masapak pa kita."

I quickly strode my way out of his sight. Na asar lang ako, kaya ever since takot na ako sa meet up. di mo alam kung ano ugali ng mga ka meet mo.

Hirap din pala ang usapang cyber space.

Sunday, November 21, 2010

Rebirth

Tama nga ang sabi ng ilan. Pagkatapos mong bumagsak, maputikan at mahirapan, darating ang panahon na aahon ka ulit mula sa baba. Kailangan na at some point in time, matutunan mo na maging malakas at harapin ang problema.

Naka dalawang buwan na rin pala nang huli akong nagsulat muli. Ngayon na okay na ako, matapos ang aming paghihiwalay, babalik ako sa gawain na komportable akong gawin..ang magsulat. Dito ko nailalabas ang lahat ng saloobin ko at dito, totoo ako.

Napansin ko sa last post ko na masyado nga pala akong nasaktan non. Umasa ako at naghintay. Pinilit kong ayusin ang isang bagay na sa simula pa lang alam ko na na hinding hindi ko maaayos.

I retreated from this blogsite to fix things pero dito rin lang pala ako makakahanap ng solace. Mas okay pa pala kausap minsan ang mga bloggers kaysa sa mga taong nakakausap mo ng harapan.

So now, I have been fully replenished and reborn. I am back sa sirkulasyon ng blog.

:D

Saturday, September 25, 2010

Magulong Isip

Matagal tagal na rin pala nang huli akong nakapag post dito. Akala ko nga ay di na ulit.



Lately, I have been experiencing some problems regarding my relationship. Di ko alam kung paano pero parang may nagbago. Alam niyo yung pakiramdam na parang may mali pero di mo alam kung saan?


Kaya nagdecide ako na magfocus na lang muna sa relationship ko kaya di ako masyado nakaka online. I gave time and effort to save the relationship. Fix this as soon as possible. Sayang naman ang a year of being together namin kasi medyo matagal na rin yun.


Akala ko nung una, ako ang may fault. Marahil kasi, di ko na rin siya nabibigyan ng halaga kasi lagi ako busy sa work. Pero napansin ko, malala na pala ang problema namin. Parang mas lalo kami nag away at ang nagiging mali lagi ay ako. Di siya nakikinig sa akin at lagi niya ako iniisipan ng masama tulad ng pagkakaroon ko 'raw' ng 3rd party.


Pero honestly walang third party. Siya lang talaga at wala ng iba pa. Kung saan man niya hinugot at mga ideyang yon ay sa kanya na lang siguro nanggaling.

Minsan nga, nasa work ako ay tumatawag siya sa cellphone ko pero di ko pede sagutin ang phone ko dahil ako ang mapapagalitan. Alam naman niya un, at lalong alam niya ang aking schedule.

Nang buksan ko ang aking cellphone after ng shift ko, ang dami na niya sinasabi. Baka daw may kasama ako kaya di ko sinasagot kaya pinaliwanag ko naman sa kanya ang totoo kaso parang may fixed na siyang scenario na naisip kung bakit di ko nasagot ang phone ko.

Nakakapagod na rin pala. Bakit nga ba nahihirapan na ako? Paliwanag ako ng paliwanag pero bakit di sia nakikinig?

Nitong huli, naisip ko, pano kung gawin ko nga ang binibintang niya sa akin. Ang maghanap ng iba, ung iintindi sa kin. Nalilito na rin kasi ako, parang ako na lang ang gumagawa ng paraan para maayos to. Baka may makatulong..

Binuhay ko muli ang aking isang account na dati ko nang kinalimutan. Hindi niya alam ang tungkol sa account na ito kasi di ko na rin masyado ito inoopen at dati pa to, bago pa naging kami.

Mga ilang minuto pa lang ako online ay may mga nagmessage na rin. May mga ilan na pumukaw ng interes ko pero nakokonsiyensiya ako. Buti na lang at hindi nakapost ang face pic ko dun.

Nang pa out na rin ako, may isang nagmessage sa kin na wala rin face pic pero familiar ang body pic. Siya un, alam ko dahil ako pa ang kumuha ng pic nia na un. Nakikipagkilala sia sa akin. Nagtatanong kung maaari bang makipagkita or makipagkilala.

Nakakagulat at napakasakit.. Bakit? Kelan pa? Sia nga ba ito?

Andaming pumapasok sa isip ko. Di ko na alam ang gagawin ko. Sinubukan ko sia. Nakipagpalitan ako ng face pic pero ginamit ko ang pic ng iba na nakita ko lang sa facebook. Half praying ako na sana ay hindi sia un. Na gnagamit lang ang body pic nia.

Sa sumunod niang mensahe, nakalagay na ang face pic nia. Matikas ang porma at maangas ang mga mata. Hinding hindi maikakaila, siya nga ang kachat ko.

Dali dali kong isinara ang aking account. Di ko na alam ang gagawin ko. Baka kasalanan ko.. Baka ako ang may mali kaya naghanap sia ng iba? Baka di ito totoo. Baka ganito. Baka ganyan..

Di ko alam, naguguluhan ako.. Tama bang tapusin ko na rin ito? Masakit na, pero kaya ko na ba? Ayoko ng ganitong pakiramdam.. DI ko na alam ang gagawin ko..