Naaalala niyo pa ba ng baguhan pa kayo sa mundong ginagalawan natin ngaun? Tago pa sa harap ng madla ang pilit nating kinikimkim na pagnanasa sa kalooban natin. Parang naghuhumiyaw na boses sa loob na nagsasabing 'I want to be free' ngunit pilit nating pinipigilan sapagkat sa mundong ito, madalas tayo ang talo.
Yon ang mga pananaw natin dati sa mundong nais natin pasukan. Mahirap maging kakaiba, ika nga ng iba. Pero sa totoo lang, di tayo ang naiiba kundi ang makikitid nilang mga utak. Noon, isang salot ang maging tulad natin. Kinamumuhian, sinisiraan at sinasaktan sa kasalanan na di namn natin kagustuhan. Malupit ang mundo ika nga nila.
Subalit ano't ano pa man ay dumating din ang panahon na ikinahihintay natin. Panahon na natutunan tayong tanggapin ng mga taong nakapaligid sa atin. Lumawak ang ating impluwesya at nauso ang mga salitang jargon na tumatatak na sa ating kaisipan tulad ng 'PLU, tripper, curious, top, bottom, versa, etcetera etcetera'.
Nakakatuwang isipin na pati minsan ay maging straight kuno ay pumapatol na sa tin. Curious daw pero ang totoo may pagnanasa naman.
Naalala ko noon ang isa kong naka chat sa net, ang sabi niya pa noon.. "Pare, straight ako. Nangtitrip lang." Tawagin natin siyang "STR8Boi". Aba siyempre kinagat ng lolo mo ang sabi nia. Usap kami ng matagalan sa chat hanggang sa mauwi sa hindi inaasahang meetup. Eyeball ika nga ng madami. Straight naman ako kumilos kaya wala naman siya proproblemahin.
Nagkita kami sa isang mall sa Maynila. Straight daw siya kaya kampante ako na makipagkita. Nauna akong dumating sa meeting place. SA isip isip ko, malamang mukhang sanggano o tambay ang ka meet ko. D na kami nakapagpalit ng pic noon kasi wala daw siya pic at ganun din naman ako.
Mula sa di kalayuan ay may isang guwapong lalaki ang papalapit sa akin. So eye to eye contact ang lolo mo para malaman kung siya si STR8boi. Matangkad siya at maganda ang built ng pangangatawan. Napatingin din sia sa akin, medyo matagal na titig. Mas matagal pa sa naiimagine mo. Pero lumagpas ng lakad si guwapo. Di ata siya si STR8boi.
Hayyy.. Sayang.. Sinundan ko pa rin siya ng tingin nang may kumalabit sa akin.
"Excuse me.. Ikaw ba si Jo***?" ang tanong niya sa akin. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at laking mangha ko sa nakita ko.
Isang lalaki na punong puno ng foundation ang mukha. Stands 5'6 at balingkinitan ang pangangatawan. Hapit ang damit na pawang nagsasabing "EMO ako" at fitted din ng pants. Anong klaseng straight to? Tanong ko sa sarili ko.
Medyo matagal na nakanganga ang bibig ko. "Oo." yun na lang ang nasambit ko. Sumagot naman siya na sia daw si STR8boi.
Parang gumuho ang mga pangarap ng lolo mo nun. Haha Straight daw siya. Parang Binuhusan ako ng malamig na tubig na may halong gulaman at sago. Gusto kong mag evaporate! O tawagin ang maskman para puksain ang nilalang sa harap ko.
"Ok ka lang?" tanong niya sa akin gamit ang boses na walang katigas tigas. Doon ko napansin na natahimik na pala ako. Culture Shock! Sino bang hindi?
KUng kaya nilabas ko ang laser sword ko para puksain siya. I mean, nilabas ko ang cellphone ko at kunwari busy sa pagtext kahit pa lowbat na ako. Sabay text sa 222 ng kahit na ano.
*Tut tut.. Tut tut..* sabi ni cellphone. Kunwari basa ako ng text at pang OSCAR Awards performance ko sinabi na hinahanap ako sa bahay kasi may problema si bunso namin.
Napatingin na lang sa kin si STR8boi. Wala siyang nagawa kundi ang um-oo na lang. Sabi ko ay kailangan ko ng umuwe. At simula noon ay I lived happily ever after. haha
Kung kaya, dahil sa exprience na yon ay may natutunan akong moral lesson in life.
Huwag isipin na ang mga ka meet mo ay guapo! :D
Huwag umasa sa straight daw sa chat pero nakikipagmeet. Malamang mas malamya pa sa yo yun.
Laging ihanda ang cellphone in times of emergency. Di mo alam kung kailan sila magiging handy. :D
Kung baguhan ka, be informed muna. Ugaliin makipag exchange ng pics. :D
Pag advanced ka na sa kalakaran, hindi mo na kailangan ng pics para makipag-meet up. Hehehe. May paraan dude, may paraan!
ReplyDeleteWelcome to blogspot!
anong paraan Mugen.. be my mentor. ^_^
ReplyDeleteuy gusto ko din matutunan yang paraang yan. dapat magklase si mugen. =D
ReplyDeleteat tulad nga ng sabi ko dun sa isa pang blog, palawak nang palawak ang saklaw ng salitang "straight" ngayon. lol.
maraming ganyan astig pero masmacho pa si ricky reyes sa kanila
ReplyDeletepero ako never pa ako nakaexperience ng ganyan kasi konti lang nameet ko
tama!!!! mas accurate pag may webcam ahihihi pero di ko pa nasubukang makipagmeet up sa ganyan promise.
ReplyDelete