Friday, July 23, 2010

Kainis na Nakakatuwa

Nakakatawa pala ang buhay at tayo mismo...

Naranasan niyo na ba minsan na may hinahanap ka na isang bagay sa kuwarto mo tulad ng ID or bolpen. Alam mo naman na kakakita mo lang nun kani-kanina lang at kanina ka pa inis na inis kasi bakit di mo siya makita? Gusto mo tanungin yung mga kasama mo kaso maging sila hindi nila alam. Tapos susuko ka na lang at uupo. Tapos pag lumamig na ang ulo mo, mapapansin mo na suot mo pala ang ID mo o nasa bulsa mo pala ang bolpen mo? Nakakainis na nakakatawa..


Naranasan ninyo na rin ba yung tipong may nakita kang kakilala sa mall. Matagal mo na siyang di nakikita at close na close talaga kayo noon. Ang ginawa mo ay nagtago ka sa likod nia at kiniliti siya ng biglaan sabay sabi ng pangalan nia "Karen!" ng malakas. Paglingon nia, hindi pala siya un. Ibang tao.. Nakakahiya pero pag ikaw na lang, nakakatawa di ba?


At eto ang latest ko, naranasan ninyo na ba yung papasok ka sa eskuwelahan at trabaho. Ang aga aga mong gumising kaya ang ginawa mo ay nagprepare ka na rin ng umagahan. Inayos mo na yung gamit mo, naligo ka na at lahat, nang biglang napa isip ka.. Shet! Sabado pala ngaun! or Linggo ngaun! Wala kang pasok!Kakainis pero nakakatuwa! hahaha

1 comment: