Tuesday, July 20, 2010

1st Meet

Pitong taon na ang nakakaraan nang nagsimula akong mamulat sa mundo ng lalaki sa lalaki. Disiotso anyos pa lang ata ako nun. Uso pa ata noon ang mga chat sa YM na Cute Men's Locker Room, Lalaki sa piling ng Lalaki, Mga Nagshoshow sa Cam etcetera.

Laman ako ng mga chatroom noon dati pero di ako nakikipagmeet. Di ko pa alam ang kalakaran ng buhay noon. Madalas ang tanong nila, 'NASL? TOP o BOT?' na madalas ko naman sinasagot ng
'Jo, 20, m manila.' Iniiwan ko ang tanong about 'Top o Bottom" sapagkat bago pa lang ako noon, walang karanasan.

Maya maya lang ay tatanungin ako kung may pic ako o Webcam na madalas ko namang sagot ay 'WALA' at duon magtatapos ang mga maliligayang oras ng aming pag-uusap. haha Di ko naman alam na ang webcam o pic pala ang ticket mo sa ganuong mundo. I was not informed. haha

Sa tinagal tagal ng panahon natutunan ko rin ibigay ang picture ko na batang bata pa, lampayatot at inosente ang mga mata. Pero may kaba sa aking dibdib, pano kung ang ka chat ko pala ay kaklase ko sa school. Maton kaya ako sa school. Haha

Pero di kalaunan natutunan ko din ang meetup. Nag aaral pa ako nun sa isang pribadong school sa University Belt. May nakachat ako na nasa kapareho ko rin na school. Ala kami pareho pic. We decided to meetup, sa tapat ng school. Burger King ata un.

Eto na, nagpabongga ang lolo nio at naglabas ng cleavage. Alas 4 daw ng hapon ang meetup pero nagpahuli ako ng konti. 4:10 pm ata ako dumating. Nagtetext na siya nun. Sabi niya naka uniform daw sia, stands 5'5 chinito at may bag na itim. So pasok ang kagandahan ko sa Burger King, direcho sa second floor. Hanap ako ng guwapong chinito na 5'5 ang height...

'and I saw his face. And I'm a believer!' hahaha.. Nakita ko siya sa sulok at nakatingin din siya sa akin. He was a face torned between humanlike and orc-like features. Biro lang. Pero ang mukha niya kasi ay parang nabudburan ng tigiding sa mukha. Isa pa, hindi sia 5'5, 5'2 lang siya! maliit lang. D rin sia maxado chinito. ang tumpak lang ay ang sinabi niyang may bag siya na itim.

Lalaki naman kumilos si pogi. He extended his arms for a handshake and I obliged pero ganun pa rin kalayo ang distance namin sa isa't isa. 2 arms away.. Hahaha

V: "Vincent pala. Kaw si Jo d ba?"
Me: "Oo." Then I sat down.
V: "O di ka naman pala bad-looking tulad ng sabi mo. Me itsura ka nga". Umeechos pa ang bakla. Parang trip ako.
Me: "Di naman."
V: "Kumain ka na ba? Treat ko!" Ay pakitang gilas.
Me: "Busog ako e. Saka may pupuntahan din ako after." Unang meetup ko at ganito pa. Pano magdahilan?
V: "San ka punta pare? Gusto mo samahan kita?" RARRR! Tapang ni koya! Di pa tayo close!
Me: "Uwe ako sa province e. Ngaun na rin."
V: "Ahhh san province mo?" Naku humaba pa ang usapan. wrong move.
Me: "Sa Bataan pare. kaya nga nagmamadali ako e.
V: "Kakarating mo lang ah." E ano pa gusto?
Me: "Pare baka di pa ko makakuha ng magandang upuan sa bus e. Hirap naman yun nakatayo ako d ba?"
V: "Ganun? Cge. text text na lng."
Me: "Ge." sabi ko lang un!

Di natapos ang araw ay nagtext din sia pero di ko na sinagot pa. Kunwari wala ako load. or lowbat. O kunwari nakatulog sa bus. Madaling magdahilan para makaiwas. Sayang ang beauty ko sa meetup na yun.

Sa susunod, baka suwertehin. Makahuli ng matabang isda. Peace!

7 comments:

  1. Parang alam ko yata kung saang iskul yan ah. Yan ba yung sa Dapitan? Lol.

    Parang ako yata yung ka-meet up mo nun ah? JOKE!

    ReplyDelete
  2. tnx for visiting..

    Mugen - kung ikaw man yun, malamang pinapak na kita.. haha

    ReplyDelete
  3. uy, salamat sa komento mo sa blog ko..daan ka lang parati!

    ReplyDelete
  4. uy thanks din for visiting. welcome sa magulo at masayang mundo ng blogosphere. bisyo mo ang meet-up haha

    ReplyDelete
  5. mataba ba kamo? madami niyan. lol.

    at ika nga ni orally, welcome sa blogosphere. lol. kunwari ang tagal tagal ko nang nagbablog.

    ReplyDelete
  6. @desole, anteros -tnx po for visiting din.

    @orally - d naman bisyo.. nadadalas lang..

    @xjason- sino bang mataba? ahaha

    ReplyDelete