Thursday, August 12, 2010

Panaghoy

Minsan daw sa buhay ng tao ay dumarating ang pagkakataon na down na down ka. AT sa pagkakataon na yun ay saka ka makakaramdam ng panghihina. Pano mo naman malalampasan yun kung mag isa ka lang di ba? AT lalo na paano ka naman makakahingi ng tulong sa mga tao na hindi naman nakakaunawa sa iyo?

Ganyan ako madalas. Palibhasa ay tago ang aking tunay na pagkatao, madalas naka isantabi ang aking mga nararamdaman. Mahigpit sa aming pamilya, si kuya ko na nagkataon na isang bakla rin katulad ko ay sari saring panlalait ang dinanas sa sarili mismo naming pamilya. Parang ginusto ba namin ito?

Paano kaya ako? Sasapitin ko rin ang ganoong pagkakataon, alam ko. Mararanasan ko rin ang matawag ng masasakit na salita, ang mabugbog ng magulang at kamuhian ng ibang tao. Sila na hindi makaunawa sapagkat ang tingin nila sa atin ay iba.

Pero hanggang ganito na lang ba ako? Nagtatago? Mag-isa? Paano kung sabihin ko na ang totoo, ano kaya ang kahihinatnan ko. Gusto kong maging malaya. Gusto kong maging ako..dati pa man.

Madalas, nakakakita ako ng mga lalaking masaya sa piling ng partner nila. Open sila sa public at di sila natatakot. I wish I have the same guts.



*****TOK TOK TOK*****

Isang katok sa pinto ang nagpatigil sa aking pag mumuni muni. Doon ko napansin na medyo basa ang mata ko dahil sa pag iyak. Nagpunas ako ng mata at binuksan ang pinto ng aking kwarto. Nakatayo si Nanay sa labas ng pinto.

"Kakain na. Bumaba ka na." sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata.

"Opo nay." Sabi ko, na pilit iniiwas ang mata sa kaniyang titig sa akin.

"May problema ba anak?"

Napatingin lang ako sa kanya. Parang gusto ko nang sabihin ang totoo. Pumikit na lang ako at sumagot ng, "Wala po."

Saglit na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. At sa di ko inaasahan na pagkakataon, bigla niya akong niyakap. Napaiyak ako muli ako pero sinubukan ko itong pigilan. Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Mahal kita anak. Andito lang ako, magsabi ka lang." ang sabi na lang niya.

Pagkatapos ng yapos ay tahimik niya akong pinagmasdan ulit. Parang alam na niya ang lahat pero hindi ko pa masabi sa kanya. 'Wag muna.. Wag muna..

6 comments:

  1. yun ang tinatawag na " best actor time to shine" hehehe.. anyway, we all love our parents, lalo ang nanay.. thanks man for sharing it to us..

    ReplyDelete
  2. Magiging komplikado ang relationship niyo pag sinabi mo na. Pero magiging malaya ka.

    ReplyDelete
  3. Parang may napanood akong ganitong kwento sa Maalaala mo Kaya (was it vice ganda's?)

    Question: does your kuya know about it?

    ReplyDelete
  4. nobody knows.. I hide it inside. I keep on searching, what I can't find..

    ReplyDelete
  5. @ tim thnks for dropping by..

    @exjason- tama ka, mas magiging compicated.

    @orally, ako lng nakakaalam.. at ung mga ibang naka ***.. ko. hahaha

    ReplyDelete