Wednesday, August 4, 2010

Sulat

Nangingilid ang luha, kinuha ko muli ang papel na nasa aking bulsa. Isang maliit na pirasong papel na nakalaan para sa kin. Medyo lukot lukot na rin ito.



'Sana masaya ka sa naging desisyon mo. Alam mo naman na ang kaligayahan mo ay kaligayahan ko na rin. Marahil may mga pagkukulang ako sa yo at humihingi ako ng tawad..'



Ang sulat ay galing kau Noel, ang aking naging karelasyon ng mahigit 5 taon na. Sa di inaasahang pangyayari, kelangan namin magkahiwalay.




'Pero alam mo naman na mahal na mahal pa rin kita. SInubukan kong makalimot sa yo pero di ko magawa. Matagal tagal rin kasi tayong nagkasama. Sana mahalin ka rin niya tulad ng pagmamahal ko sa yo.'



Naging mapait ang aming pag iibigan. Na fall out of love ako. Inaamin ko, fault ko. Naging marupok ako pero sa totoo lang siya pa rin ang mahal ko. Kung alam lang niya, na a week ago, nag hiwalay na kami nung isa dahil nga mas mahal ko pala siya talaga.



'Ang sakit sakit na talaga. Noong una, pinilit kong languin ang sarili ko sa alak pero di pa rin siya tumalab. Sinubukan kitang kahumian sa nangyari pero, lagi na lang akong umiiyak kasi di ko magawa. Ano bang meron ka at lagi kang andito sa puso ko?'



Alam ko na ang sakit na naidulot ko sa kanya ay di mapapantayan. Pero minahal pa rin pala niya ako. Gusto ko siyang yakapin at sabihin ang totoo sa pagkakataong iyon. Gusto ko sabihin na mahal ko pa siya at humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan ko pero.. mahirap na ata mangyari yun ngaun. Di ko na mababalik ang nagawa kong kasalanan.



'Kung kaya pagpasensiyahan mo na rin ang ginawa kong ito. Mahal na mahal pa rin kita.. -Eric'


Sa katapusan ng kanyang liham, umiiyak na rin pala ako. Basa ng luha ang aking mga mata at ang waring puso ko ay nasasaktan. Sana, pinilit ko muna ayusin ang relasyon namin. Sana nag usap muna kami. Sana di ako naging marupok.. Sana...


Pero di na pede. Dala dala ang sulat na nilaan niya sa akin pumatak ang mga luha ko sa isang puting marmol na bato sa aking harapan. At ang nakaukit dito...


Eric Manuel Santos
Born: Februray 27, 1980
Died: August 1, 2010


This post is a work of fiction..

2 comments: